Kayo ba’y sabik makinig ng balita, musika at iba pang impormasyon mula sa Pilipinas? Ito’y matatanggap nyo lahat sa Filipino Service, ang Short Wave Broadcast ng Radio Veritas Asia.
Lubos kaming nasisiyahan na ialay sa inyo ang iba’t-ibang mga programa ng Filipino Service na dinisenyo upang umangkop sa panlasa ng isang Pilipinong nalayo sa sariling bayan—mga programang tunay na “lutong-bahay.”
Kayo po ba’y sabik na sabik makarinig ng balita, musika, at iba pang impormasyon mula sa Pilipinas? Matatanggap ninyo ang lahat ng ito mula sa Filipino Service ng Radio Veritas Asia! Sa loob ng kalahating oras hanggang isang oras araw-araw, ang Filipino Service ang tagapag-ugnay sa inyong mga kababayan namin sa ibayong dagat at sa ating bansa. Sisikapin ng Filipino Service na paglingkuran kayo at makapaghatid sa inyo ng inspirasyon at mahahalagang kaalaman sa pamamagitan ng mga programang pangkaunlaran, pang-aliw, pang-espiritwal, at pagbabalita.
Ang kailangan lamang ninyong gamitin ay radyong nakatatanggap ng short wave frequency na mula 3 MHz hanggang 30 MHz. Tuwing alas onse ng gabi (Phil. time) — a las sais ng gabi sa Middle East— ay sumasahimpapawid ang mga programa ng Filipino Service, samantalang ang oras naman ng broadcast sa East Asia ay a las siyete ng umaga (Phil. time).